Rules of Engagement: Political Conversations

RB Cabutin

November 12, 2021

Politics can be very divisive. Lalo na sa mga panahong tulad nito, marami ang nagagalit sa kapwa, nagpaparinigan, at nag-aaway dahil sa magkakaibang beliefs.

Hindi exempted dito ang mga magkakapamilya, ang mga magkakaibigan, at maging ang mga hindi mo inakalang iba ang paniniwala mula sa ’yo. At lalo itong mas nakakalungkot kapag medyo hostile sila (o minsan tayo din).

Personally, namulat ako nung college sa iba’t ibang political views and beliefs dahil sa background ng aming unibersidad. Dahil dito mas nagkaroon ako ng puso para sa bansa. Kaya hindi ko ikakaila na madaling malaman ng mga tao ang biases ko pagdating sa mga ganitong usapin. Ilang beses na rin akong nasabihan ng nakatatanda dahil sa ilang hindi napag-isipang statements, at ilang beses na rin na nakipagsagutan sa mga taong iba ang paniniwala.

Ngunit bilang isang Kristiyano, kailangan kong patuloy na ipaalala sa sarili ko na may responsibilidad ako sa bawat taong nakakasalamuha ko dahil mahal ng Panginoon ang lahat at hindi Siya pumipili ng mamahalin base sa kulay—kahit political color pa yan.

There is this one quote na sobrang familiar na para sa akin lalo na sa mga panahong mataas ang political unrest.

“If you have the choice between being right and being kind, choose being kind.” 

—Dr. Wayne W. Dyer

But should this be a black and white statement? Naniniwala kasi ako na hindi sapat lang na maging mabait ka. Kailangan na tama ka rin.

So paano nga ba tayo magrerespond sa mga tao na iba ang political beliefs sa atin?

Being Right

Paano ba natin masisigurado na tama tayo?

First, educate yourself. Mahirap kasing mamuhay sa kasinungalingan, sa fake news, o sa kulang-kulang na kaalaman.

Para tayong sasabak sa digmaan na sandok lang ang dala kapag sasali tayo sa isang healthy discussion at hindi naman tama ang impormasyon na pinanghahawakan natin.

Matuto tayong mag-aral gamit ang mga legitimate resources. Hindi rin tayo dapat masyado magpapaniwala sa kung anu-ano lang na nakikita natin. Dapat maging mapanuri tayo sa ating pagsasaliksik.

Pangalawa, sana tama rin ang set of beliefs at priorities natin.

Isa pa sa natutunan ko na hindi dapat sa iisang politiko o political color ang loyalty natin. Dapat ay nasa bansa. Dapat ay nasa masa. Dapat ay nasa mga nangangailangan ng tulong.

At kahit magkakaiba man tayo ng paniniwala, ang karamihan sa atin ay iisa lang naman ang gusto—ang makita na maging maayos at maunlad ang Pilipinas.

Doon natin simulan kapag kailangan nating makipag-usap sa mga taong iba ang beliefs. Simulan natin sa kung saan nga ba tayo magkapareho. Dapat simulan natin sa kung ano nga ba ang makabubuti para sa ating bansa.

Being Kind

Hindi dapat matapos ’to sa pagiging tama. Dapat maging mabuti ka rin sa iba.

Karamihan sa atin na gustong makipagdiskusyon ay may kagustuhan din na makumbinsi ang iba na gumawa ng tamang desisyon.

Pero hindi natin sila basta-basta makukumbinsi kung hindi naman tama ang paraan ng pakikipag-usap natin. Kung ayaw nating nababastos, sigurado akong ganun din ang iba.

Tingin mo ba pakikinggan ang isang taong condescending, sarcastic, o bastos makipag-usap?

Kung kaya ninyong makipag-usap face-to-face, better. Pero kung hanggang online lang ang usapan niyo, be patient. Explain in detail why you think you’re right.

Be patient dahil hindi naman talaga madaling i-admit na mali tayo at tama ang iba. Iba-iba rin tayo ng background kung bakit tayo umabot sa ganitong political beliefs. Minsan marami tayong dapat i-break na mindset (at lies) na na-build ng ilang taon.

At kung gusto natin na pakinggan tayo, matuto rin tayong makinig. Maaaring may hindi tayo nakikita. Baka tayo pala ang nasa mali at tayo pala ang kinakailangang matuto.

At huwag na huwag magreresort sa ad hominem. Kahit iba pa ang paniniwala ng iba o kahit hindi mo gusto ang isang tao, hindi pa rin tama na maliitin sila. Hindi tama na pagtawanan ang isang tao dahil sa itsura o dahil sa anumang kapintasan. Dahil sa ayaw o sa gusto natin, gawa rin sila sa imahe at wangis ng Panginoon. Importante pa rin sila sa mata ng Panginoon.

These two things are primarily what I try to practice sa mga panahon ngayon. Pero bigyan ko pa kayo ng ilang additional tips:

Know your limit.

Kung at the expense ng iyong mental and emotional health ang pakikipagdiskusyon sa mga tao regarding politics, matutong magpahinga.

Hindi kahinaan na i-acknowledge na minsan hindi mo muna kayang makipagusap sa mga tao regarding this topic, lalo na kung mga taong mahal mo ang umaatake sa political beliefs mo.

Pahinga ka lang. Hindi naman basta-basta matatalo ang pinaglalaban mo kung pipiliin mong magpahinga muna.

Choose your battles.

May mga laban na alam mong sa umpisa palang ay wala ng pag-asa. O kaya naman ay sobrang importante ng relationship mo sa taong ito kaya ayaw mo ma-jeopardize ito.

Ayos lang kung piliin mo ano ang importante para sa ’yo.

Pray.

Baka isipin mo, “magdasal na naman?” Pero kung katulad kita na isang Kristiyano, importante na ito ang laging una nating choice of action.

Kung makikipag-usap ka sa taong iba ang beliefs, magdasal ka. Kapag nawawalan ka na ng pasensya, magdasal ka. Kapag nahihirapan kang mahalin ang ibang tao, magdasal ka.

Magdasal ka hindi lang para sa makakausap mo, pero para sa bansa. Ipagkatiwala sa Panginoon na Siya pa rin ang pinaka makapangyarihan at Siya pa rin ang sovereign sa bansa natin.

Isa sa pribilehiyo na meron tayo bilang isang Pilipino ay ang kalayaan na meron tayo pagdating sa pagpili ng mga ihahalal at sa paghayag ng saloobin natin. At lahat tayo may karapatan. Hindi ito selective. Hindi sana natin matapakan ang karapatan ng iba dahil lang may pinaglalaban tayo.

Pero dahil responsibilidad natin bilang Pilipino ang pumili ng mga maluluklok sa bansa natin, maging responsable rin tayo sa pagtulong sa iba na mas maintindihan ang mga pangangailangan ng bansa.

Hindi magiging madali ang pakikipagdiskusyon. Maraming challenging conversations ang paparating. Maraming challenging na tao ang makakasalamuha mo. Pero ang pag-asa natin ay nasa Panginoon na mananatiling pinakamataas na Pinuno hindi lamang ng bansa natin, kundi ng buong mundo.

 

 

0 Shares

The Author

RB Cabutin

RB Cabutin is a Journalism graduate from the Polytechnic University of the Philippines. He surrendered his life to Christ when some of his activist friends shared the Gospel to him. They are now in different churches but still serving one God. RB knew he wanted to go fulltime ministry when he understood that long-lasting change in this nation would start in discipling the next generation. He serves as one of the campus missionaries of EN Campus Metro East.

VIEW OTHER POSTS BY THE AUTHOR