Saan Nga Ba Patungo?

RB Cabutin

April 14, 2021

Maliban sa lyrics ng “Tadhana” at mga damdaming nilalaman nito, magandang katanungan nga naman ito. Gusto mo ba yumaman? Gusto mo ba sumikat? Gusto mo ba makatulong?

Don’t worry! Hindi ito recruitment. Pero maaaring ilan ito sa mga tanong mo pagdating sa pagpili ng course na kukunin mo sa college (or not, baka ako lang yun nun).

Maraming pwedeng i-consider sa pagpili. At kailangan mo itong pag-isipan mabuti dahil isa ito sa mga pinaka importanteng desisyon na gagawin mo in your youth. Ito yung isa sa mga decisions kung saan haharapin mo na ang maaaring gawin mo for the rest of your life hanggang retirement (yes, hindi ako OA). 

Para sa iba, this may cause anxiety kasi hindi pa rin natin alam ano nga ba ang pipiliin nating course. 

Would we choose what our friends choose? 

Would we go with what is “in” now? 

Would we go with what our parents say?

Ano nga ba ang makatutulong sa atin pagdating sa pagpili? Ayoko naman na matulad kayo sa akin na nakapila na ako sa PUP, saka palang ako namimili ng course na kukunin ko. Hindi advisable! (Hahahuhu)

So here are some questions you can ask yourself pagdating sa course na kukunin mo. Please take note na hindi stand alone ang mga katanungan na ito pero they support one another as you search for the right course.

Ano ang kakayanan ng pamilya ko so I can take this course?

Uunahin ko na muna ang pinaka malungkot na katanungan ng marami sa bansa natin. For some people, ito yung deal breaker. 

Sa iba pa nga, ito ang deal breaker kung makakapag-college pa ba sila. And that is reality for many in the Philippines. Personally, it was my reality entering college and so many others who dream to go to college.

Importante itong tanong na ito, hindi para mapanghinaan ka ng loob kung hindi ka well-off, pero para makaisip ka ng plans para sa kukunin mong course. Through this, pwede mo i-consider kung saan ang papasukan mo, pati na rin ang scholarship or part-time job opportunities, o pwede ring backup course na makatutulong sa ’yo para ma-achieve ang gusto mo talagang kunin in the future. 

Laging tandaan: Huwag mong hayaan na ang kakulangan ng pera ang mag-determine ng sukat ng iyong pangarap!

Ano ang plano mo?

Ano nga ba ang plano mo sa buhay? Kailangan mo i-consider ito for the course na you want to take. Maaaring yung iba may concrete plan na like gustong maging lawyer, maging doctor, o maging engineer. Pero hindi lahat ganito, kasi yung iba gusto yumaman or magtrabaho abroad. These are the things that you would need to also consider sa mga choices na gagawin mo.

Because in reality, walang course o trabaho na “easy money” at walang easy route to your plans. Regardless kung ang goal mo ay yumaman, sumikat, or simpleng buhay na may sariling bahay at lupa (samahan mo na ng sakahan or palaisdaan, ’di ba?) lahat ng ito ay nangangailangan ng maraming time at pangmalupitan na hard work para makamit mo.

Planuhin mo muna. Isulat mo sa papel o notebook ang mga pinapangarap at mga pinaplano mo since bata ka pa. Baka makatulong ito para mas maging klaro sa ’yo ang gusto mong kunin.

Ano ang mga bagay na passionate ka? 

Kung titignan mo ang buhay mo for the past years, ano yung mga bagay na pinaglaban mo kasi masaya ka sa mga ito? Ano yung mga bagay na gustong-gusto mong gawin kahit napupuyat ka o minsan kahit napapagastos ka? Hindi ito yung bisyo ha! Hindi lahat ng nakakapagpasaya sa atin ay madali pero dahil masaya at nagbibigay ito ng sense of purpose sa atin, hindi hadlang ang mga pahirap sa iyo.

Creative ka ba? Baka you can consider a course na mas malapit dito. 

O baka magaling kang humarap sa mga tao? 

O kaya naman nag-eenjoy kang kumita ng pera sa pagbebenta ng sandwich sa mga kaklase mo? 

Ano ba yung mga bagay na nagbibigay sa ’yo ng kasiyahan na alam mong pwede mo ring magamit para sa future mo?

PS: Hindi lahat ng passion pwede maging trabaho. Pero sana sa future, yung magiging trabaho mo, magdala pa rin ng kaligayahan kahit minsan ay mahirap na. 

Ano ang advice ng mga taong malalapit sa ’yo?

Clarify ko lang: ikaw pa rin ang gagawa ng decision sa course mo dahil maaaring dito nakasalalay ang future career mo. 

Pero hindi masamang humingi ng advice mula sa mga tao na pinaka nakakakilala sa ’yo at gusto ang best para sa ’yo dahil maaaring may nakikita sila na hindi mo nakikita. It would be nice to see a different perspective.

Pwede ka magtanong sa mga kakilala mo na medyo malapit ang pinagdaanan sa kuwento mo. O kaya naman sa mga ate at kuya na napagdaanan na ang pinagdadaanan mo ngayon. Magtanong ka rin sa mga taong alam mong pagdarasal ka rin. 

Siyempre, kung maaari, maganda rin na may open communication ka sa mga magulang mo tungkol sa future mo (and we hope maging maganda ang usapan niyo with them dahil for sure gusto din nila ang best para sa ’yo).

Again, hindi sila ang gagawa ng decision kundi ikaw. Pero mas masaya na malaman mong may mga taong naniniwala at sumusuporta sa ’yo sa mga pangarap at plano mo.

Ano ang sabi ni God?

Ito ang pinaka importanteng katanungan pagdating sa pagpili ng course. Naipagdasal mo na ba? Naitanong mo na ba si God kung ano ang gusto Niya?

Hindi laging klaro ang mga detalye ng direksyon Niya para sa atin, pero ang klaro ay pwede natin Siyang pagkatiwalaan na meron Siyang magandang plano para sa atin.

Pero tandaan lang natin na sometimes praying to and trusting in God does not guarantee na magiging smooth lahat pagdating sa college. Hindi rin assurance na laging papasa ka (mag-aral ka rin siyempre). Hindi rin sure na hindi ka magshishift kasi pwedeng magbago pa ang gusto mong kunin. At hindi rin tayo sure na laging ang plano natin ang matutupad.

Pero pwede tayong maging sure na when we go through college in faith, God will be pleased and Siya ang bahala sa ’yo. Pwede kang maging sure na kahit hindi naaayon sa plano mo yung mga mangyayari, may ginagawa si Lord sa buhay mo.

I hope you can meditate on these five verses as you go through this decision-making season:

“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Jeremiah 29:11 (NIV)

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose. 

Romans 8:28

Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewal of your mind, that by testing you may discern what is the will of God, what is good and acceptable and perfect.

Romans 12:2

God bless sa iyong course-hunting! We are rooting for you and we are proud of you!

 

 

329 Shares

The Author

RB Cabutin

RB Cabutin is a Journalism graduate from the Polytechnic University of the Philippines. He surrendered his life to Christ when some of his activist friends shared the Gospel to him. They are now in different churches but still serving one God. RB knew he wanted to go fulltime ministry when he understood that long-lasting change in this nation would start in discipling the next generation. He serves as one of the campus missionaries of EN Campus Metro East.

VIEW OTHER POSTS BY THE AUTHOR