December 15, 2021
Isang bakanteng upuan.
When we were younger, akala natin forever magiging masaya ang mga salo-salo tuwing Pasko.
May drama. May ilang nakaka-hassle na mangyayari. May times na kulang ang handa. Pero basta kasama ang buong pamilya, okay tayo. Okay lang kasi andyan lang naman ang mga kaibigan natin na babati sa atin ng “Merry Christmas.”
Pero ngayon, all you have is an empty seat, a conversation that was never finished, prayers that you think were unheard.
Ilan nga ba ang magdiriwang ng Pasko na may bakanteng upuan?
Ilan ang maghihintay sa isang chat na alam nating hindi darating ngayong Pasko?
No one can tell you “how” to be merry this Christmas dahil alam mong hindi lang upuan ang nabakante ng mga taong namayapa, pero may malaking espasyo sa puso mo na nabakante rin.
Hindi madali ang paparating na Pasko.
Pero gusto kong malaman mo: Hindi ka nag-iisa.
“Behold, the virgin shall conceive and bear a son, and they shall call his name Immanuel” (which means, God with us).
Matthew 1:23
God with us.
I could say so many theological and doctrinal things about this statement, but I hope that this would be a more personal message for you this year. That in spite of the loss, you are never alone. God is with you through your pain.
Sana maalala mo na kahit nabakante ang isang upuan sa lamesa niyo at may malaking espasyo sa puso mo, kasama mo sa proseso ng paghilom ang Panginoon.
Hindi man naiintindihan ng lahat, nandiyan Siya at naiintindihan ka Niya. Minsan na rin Siyang nawalan. Minsan na rin Siyang umiyak dahil sa isang kaibigang namatay. He knows how it feels to be brokenhearted.
Minsan iniisip ng ilan, “ano ang magagawa ng presence?”
Pero sa mga pagdadalamhati natin, sa breakings, sa losses, minsan sapat na na alam nating kasama natin ang tanging Tao na nagmamahal sa atin nang lubos.
At kung kailangan mong umiyak, magsumbong, mag-rant, maglabas ng sama ng loob, handa Siyang makinig. Dahil hindi mo naman kailangang lumapit sa Kanya na okay ka na, tatanggapin ka Niya kahit sa mga araw na durog na durog ka.
The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.
Psalm 34:18
Sabi sa akin ng isa kong kaibigan, “When you lose someone you love, you never get over it. You just learn to live with it.”
You’ll learn to live with it and that’s not a bad thing.
You’ll learn to live with the good and the bad memories and cherish all of it.
You’ll learn to live with gratitude for the precious years you had with them.
You’ll learn to live knowing that you are you because they are a part of you.
And maybe that’s God’s way of healing what was broken, of making you complete again without having to forget.
At sa mga susunod na taon, hindi ang bakanteng upuan ang unang maaalala mo kada Noche Buena, kundi ang mga taon na hindi bakante ang mga upuan, ang mga tawanan, ang mga iyakan—every memory a gift.
At hindi mo maiiwasan na magpasalamat sa Panginoon dahil sa buhay nila.
Pero hangga’t wala ka pa sa araw na yun, okay lang na umiyak. Okay lang din kung hindi kasing saya ng Paskong ito ang mga nagdaang Pasko. Okay lang kung sa bawat pagsulyap mo sa bakanteng upuan, mamimiss mo siya.
Hindi naman overnight ang healing. Dahil tulad ng kahit anong sugat, minsan binibilang din ang oras bago maghilom.
Pero huwag mo sana isipin na magkulong lang sa mga thoughts mo ngayong Pasko.
Hayaan mong palibutan ka pa rin ng mga taong nagmamahal sa ’yo ngayong Pasko.
Kahit malungkot, huwag mong hahayaan na isa ka rin sa magiging bakanteng upuan para sa iba.
Sana’y batid mo na hindi mababakante ang espasyo sa puso mo ng mga nauna na, at kahit hindi mabilis ang paghilom, hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.
Sana ang bakanteng upuan ay magpapaalala din sa ’yo na kasama mo ang Panginoon sa Paskong ito.