What’s Up with the Taglish Bible?

Daisy Cayos

October 05, 2020

Naging usap-usapan ang paglabas ng New Testament Pinoy Version or Pinoy NT dahil sa modern approach nito sa Bible. May ilang natuwa sa bagong version na ‘to. May ilan din namang nagdududa kung legit ba ‘to.

’Yan ang titingnan natin ngayon: Kung ang Taglish version ba ng Bible ay isang valid translation, kung paano ba ito ginawa, at kung pwede ba natin itong gamitin? 

Bago ang lahat, gusto ko lang linawin na ang article na ito ay pang dagdag kaalaman para sa ating lahat, at hindi ito rebuttal sa anumang arguments tungkol sa Pinoy NT

Paano ba ito ginawa?

Kilalanin nating mabuti ang Pinoy NT. Magsimula tayo sa simula at alamin natin: Sino ba ang gumawa ng translation na ‘to?

Ang team sa likod ng translation at publication ng Pinoy NT ay ang Philippine Bible Society (PBS), at ginawa nila ang version na ito sa loob ng 10 taon. Oo, 10 years. Marami silang discussions at consultations kasama ang iba’t ibang religious groups upang makagawa ng accurate at maayos na translation. Mayroon din silang standard sa pag-translate:

1. It should be faithful to the original text; 

2. It can be understood well; and 

3. It should have no doctrinal bias. 

Kinailangan din nilang mag-isip ng paraan kung paano nila maisasalin ang text nang hindi nawawala ang original meaning.

Nabuo ang Pinoy NT para ma-encourage ang kabataan na magbasa ng Bible. Ang PBS ay gumawa ng “thorough linguistic analysis” para malaman kung ano ang language na ginagamit ng kabataan sa kasalukuyan.

Hindi iisang tao ang nagtranslate ng Pinoy NT, kundi isang institusyon na kinabibilangan ng mga eksperto na may malawak na kaalaman pagdating sa biblical translation. Nga pala, ang Pinoy NT ay approved ng United Bible Society.

Next topic: Language. 

Ang language na ginamit sa translation ng Pinoy NT ay “heterogenous language” o “mixed language.” Ibig sabihin ay may at least two languages tayong makikita sa text. Sa case nga ng Pinoy NT, Taglish siya, o pinaghalong Tagalog at English (parang itong article na ‘to, Taglish).

“The essence of the word of God is in its meaning,” ayon kay Dr. Annie del Corro, translation consultant ng Philippine Bible Society. Sa isang interview, ipinaliwanag ni Dr. del Corro ang guiding principle ng team sa pagsasalin ng Pinoy NT.

Mahalaga sa mga translators ng Pinoy NT na hindi magbago ang meaning ng original Greek text ng Bible.

Ang Pinoy NT ay faithful sa nilalaman ng UB Greek New Testament 5th Edition, na siyang textual base nito. Meron din silang parameter na tiningnan sa pag-translate para manatiling accurate ang version na ito. Pagdating sa language, kinakailangang stable language ang gamitin. Ibig sabihin nito na hindi “fad” o pansamantala lamang na ginagamit—’yung tipong uso ngayon pero bukas hindi na.

Valid ba ang Taglish na translation?

Para sa mga nagtatanong kung valid ba ang Taglish translation, makakatulong siguro kung malalaman natin na ang New Testament ay nakasulat originally sa Koinē (Common) Greek, na “lingua franca” (aka common language) ng Macedonian Empire at ng mga sumunod na empire. Mas simple ito kaysa sa type ng Greek na ginamit nina Homer, Plato, at Aristotle sa mga writing nila na Attic o Classical Greek. 

Ang Koinē Greek ay language ng common people noong panahon ng New Testament. Though may mga libro sa New Testament na nakasulat sa Literary Greek, marami rin sa mga ito ang nakasulat sa conversational and common Koinē Greek. 

Kung ang Taglish ay ginagamit natin sa everyday conversation, at may mga hiram na salita rin namang kasama ‘to, hindi siya nalalayo sa Koinē Greek noong panahon ng Bible. Masasabi kaya nating disrespectful ang Taglish version kung ang original manuscript ay nakasulat sa paraang katulad nito? 

Okay bang gamitin ang Pinoy NT? Ano ba ang mahalaga?

Ang pinakamahalaga sa pagbabasa natin ng Bible ay ang maintindihan kung ano ang gustong iparating ni God sa ‘tin. Dahil dito, ang Bible ay mabuting nasa language na nauunawaan natin. Kung ang Taglish translation ay isa sa mga paraan upang mas maintindihan natin ang salita ng Diyos, maganda naman na i-maximize natin ito sa devotion natin.

Kung titingnan natin ang mga paraan na ginawa ni God para mapalapit sa atin at para maparating sa atin ang gospel, maiintindihan natin na ang iba’t ibang translation ng Bible ay maaaring isa sa mga providential interventions Niya para makapasok Siya sa puso natin. Katulad ni Jesus na bumaba mula sa langit, nagkatawang-tao, at nakisalamuha sa mga tao, batid natin na gusto ni God na ma-reach tayo sa anumang paraan. 

He’s always been the one who pursues us and reaches out to us. He longs to speak to us.

At kung ang Pinoy NT ay isa sa mga paraan para mas makilala natin Siya, lalo na ng mga kabataan na maaaring mas sanay sa Taglish, nawa’y maging simula ito ng personal at malalim na relationship ng mga tao with God.

 

Kung gusto mo pang matuto o pag-aralang maigi ang Pinoy NT, ito ang mga helpful link na pwede mong bisitahin: 

Early Edition: Ilang berso mula sa ‘New Testament – Pinoy Version. ABS-CBN News.

https://www.youtube.com/watch?v=cJv_2ws-oOA&t=287s

New Testament Pinoy Version – Legit Ba o Pambababoy? Power Learning Biblical Greek.

https://youtu.be/6Ic6aNW9-Go

 

150 Shares

The Author

Daisy Cayos

Daisy is one of the campus missionaries in ENC Santa Cruz. Before entering full-time ministry, she went through many adventures in her career, from teaching to working for the government. She even attempted to start a couple of businesses along the way. However, in the midst of her life transitions, she stopped pursuing her personal ambitions and surrendered her life to the pursuit of God's purpose. She took the first step by serving in campus ministry. Daisy believes she is where God wants her to be. Nothing is wasted, and life has never been this exciting.

VIEW OTHER POSTS BY THE AUTHOR