Paano na Kaya ang Pasko sa Taong Ito?

Daisy Cayos

December 08, 2020

Walang kasing-saya ang Pasko sa Pinas! We always look forward to it. Sa isang buong taon, tuwing sasapit ang Pasko, tila nagkakaroon tayo ng bagong pag-asa.

May linya nga tayo na madalas gamitin sa tuwing may mga bagay na naaantala: “Anong hinihintay mo, Pasko?” Para bang sa pagsapit ng Pasko, gagalaw na ang lahat, magkakabuhay na ang lahat, magiging okay na ang lahat. 

Kahit sa gitna ng pandemiya, isa sa mga naiisip ng karamihan ay…

“Paano kaya ang Pasko sa taong ito?”

Ano kaya ang magiging itsura ng Christmas celebration kasabay ng maraming pagbabago sa buhay natin?

Magiging masaya pa rin kaya ang Pasko kahit walang mga bisita, walang regalo o pera, o hindi kumpleto ang pamilya sa Noche Buena?

Ano kaya ang itsura ng exchange gift via Shopee o Lazada?

Pero, bakit nga ba excited tayong mag-celebrate ng Pasko?

Sa Pinas, September pa lang, ramdam na ang Pasko. Kasabay ng boses ni Jose Mari Chan ay ang paglabas ng mga parol, Christmas lights, at Christmas sale sa mga mall.

Bakit ba ganun tayo ka-excited? Dahil dyan, nag-research ako kung bakit September ang simula ng Pasko sa Pinas

According to Prof. Ed Timbungco, isang PR Professor sa De La Salle–College of St. Benilde, “Celebrations are very much a part of our psyche as a fiesta-loving nation.” 

Mahilig nga tayo sa festivities, making the most of our time together with our family, of course, with food on the table. Perhaps we want to seize every moment and extend the days we get to spend with them.

Dagdag naman ni Clifford Sorita, isang sociologist, ang pinakasimpleng dahilan for our long-standing tradition is our “psychological framework to countdown the days to big celebrations.” In short, mahilig tayo sa countdown.

Kasama na rin sa countdown siguro ang paglista ng Christmas tasks, pag-schedule ng Christmas parties, pagbili ng Christmas gifts, at pag-prepare ng menu for Noche Buena. (Whew! Kaya pala three months early ang simula ng Pasko natin.)

Ngunit, sa dami ng mga pagbabago sa mundo, tiyak na marami ring magbabago sa kung paano natin ipagdiriwang ang Pasko. Gayunpaman, magbago man ang pamamaraan, ang mga sumusunod na values ang hinding hindi magbabago. 

1. Christmas is a time of giving.

Nagbago man ang pamamaraan ng bigayan ng mga regalo ngayong taon, buhay na buhay pa rin ang diwa ng pagbibigayan tuwing Pasko. 

Christmas is a time of giving—hindi lang dahil sa Christmas bonus o 13th month pay; hindi lang dahil “pasko naman”—kundi dahil isa ito sa mga sinisimbolo ng Pasko. 

Nagkaroon ng Pasko dahil ibinigay ng Diyos ang kaisa-isa Niyang anak para isilang sa mundo at tubusin tayo mula sa pagkalubog natin sa utang ng kasalanan. No one has ever given to the extent that God has given. Kaya kung meron mang makakapagpaalala sa atin na Christmas is a time of giving, si Jesus na yun!

Kaya lang minsan, dahil sa kagustuhan nating magbigay, we tend to give beyond our means. Tandaan, we can still be a blessing while living within our means. 

Pwede kang magbigay ng DIY Christmas cards na galing sa puso o kahit ano pang gawa ng iyong mga kamay. Malay mo, mas maramdaman nila ang pagmamahal mo when they see how hard you worked on your gifts.

2. Christmas is best spent with family.

Kaugnay ng Pinoy values natin ay ang mataas na pagpapahalaga sa pamilya. Kaya naman tuwing may okasyon, automatic na ang family reunions.

If you’re still blessed with a complete family, make the most of it and enjoy your time with them. Kung estudyante ka pa, sulitin mo na ang bawat paskong kasama mo sila, dahil darating ang panahon na bubuo ka rin ng sarili mong pamilya at hindi mo na sila makakasama taun-taon kagaya nito.

But, if you feel like you are missing out on so many things dahil hindi kumpleto ang family mo ngayong Pasko o hindi maayos ang relasyon ninyo sa pamilya, remember that Jesus also had a not-so-ordinary Christmas.

Kung para sa atin, ang Pasko ay tungkol sa parties at reunions, para kay Jesus, ang araw ng Pasko ay ang araw na nawalay siya sa Ama niyang nasa langit. Ipinanganak Siya sa sabsaban—walang handaan, videoke, o kasiyahan. 

You can still find meaning in Christmas—because the meaning of Christmas is in Christ.

Pwede mong tanungin ang sarili mo, “Paano ako magiging blessing sa mga mahal ko sa buhay?”

3. Christmas is the season to be jolly.

Yes, it is a season to be joyful not because of the festivities or gifts, but because of the birth of the Savior, the one we are celebrating this season.

For to us a child is born, to us a son is given; and the government shall be upon his shoulder, and his name shall be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.

Isaiah 9:6

There are so many reasons to be joyful sa kabila ng napakaraming problemang dumaan ngayong taon.

It’s the season to be jolly, not because life is good; We can be jolly even if life is not good because Christmas day reminds us that there is hope beyond this lifetime.

Pero kung sakali mang may dinaramdam ka or may pinagdaraanan ka sa Pasko, pwede ka pa ring magdiwang ng pasko.  

Remember that Jesus came for you, too. He came to heal the brokenhearted and to bind up their wounds (Psalm 147:3). It is okay to acknowledge the pain and surrender it to God. And God’s promise is that we will have complete joy and an abundant life in Him, and these can never be snatched away by any difficulty or circumstance. 

Sa pagkawala ng kinang at ingay ng pagdiriwang ng pasko, nawa’y mas lalong kuminang ang tunay na star ng Pasko—si Hesukristo.

Sa pagtatapos ng isang buong taon na puno ng problema at pangamba, nawa ay mas maunawaan natin ang tunay na diwa ng kapaskuhan: Na sa isang sabsaban sa bayan ng Bethlehem, may isang sanggol na isinilang upang magbigay ng kapayapaan, pag-asa, at buhay na walang hanggan para sa lahat ng magtitiwala sa Kanya.

 

 

238 Shares

The Author

Daisy Cayos

Daisy is one of the campus missionaries in ENC Santa Cruz. Before entering full-time ministry, she went through many adventures in her career, from teaching to working for the government. She even attempted to start a couple of businesses along the way. However, in the midst of her life transitions, she stopped pursuing her personal ambitions and surrendered her life to the pursuit of God's purpose. She took the first step by serving in campus ministry. Daisy believes she is where God wants her to be. Nothing is wasted, and life has never been this exciting.

VIEW OTHER POSTS BY THE AUTHOR