December 04, 2020
A decade ago, isang sikat na commercial ang nagpauso nitong acronym na ito. Tawang-tawa pa ako nun dahil nakaka-relate ako eh.
“Samahang Malamig ang Pasko”
Una sa lahat, malamig naman talaga normally kapag Pasko, pero mas pinalalamig pa ng idea na wala pa ring magpopost sa Facebook nila ng “First Christmas with him/her.”
Pero bukod sa kawalan ng lovelife, marami pang ibang dahilan kung bakit nagiging malamig ang Pasko. Ikaw, malamig ba ang paparating na pasko para sa ’yo? Bakit? Marahil isa na ang dahilan mo sa mga ito:
Maaaring iniisip mo na mag-isa ka na naman, pero huwag kang mag-alala! Hindi ka talaga nag-iisa sa nararamdaman mo.
Gusto mo lang naman na may magmahal sa ’yo e. Yung may magtatanong sa ’yo ng “Kumain ka na ba ng Noche Buena niyo? :)”
Nalilito ka na nga kung Pasko nga ba ito o Valentine’s Day kasi pakiramdam mo mas masaya sana na may ka-video call ka pagsapit ng hatinggabi.
Kasama pa diyan ang walang sawang tanong ng mga kamag-anak mo: “May gelpren/boypren ka na ba?”
At syempre, nakahanda na ang laging sagot na “Hindi ko po kasi priority yan eh.” (Wushu.)
Habang tumatanda ka, mas kumokonti na rin ang natatanggap mong pera at regalo. Hindi na kasi katulad nung bata ka na maraming nagbibigay ng aguinaldo.
Ngayon, ikaw na ang hinahabol ng mga inaanak mo. Tapos maging ang mga ninong at ninang mo, niloloko ka pa na sila na dapat ang binibigyan mo.
Ang matindi pa niyan, halos naubos na rin ang pera mo dahil sa mga exchange gift na ngayon ay may shipping fee pa. Pati nga yata mga gamit mo ay paubos na rin dahil sa “white elephant” na exchange gift.
Dati, ang saya pa ng Pasko kasi humihiga ka sa malulutong na bills. Ngayon, parang dumaan lang ang lahat ng naipon mo.
Mabilis nawala, daig pa ang isang kisapmata, parang siya. Ay.
Kung kasama mong magcelebrate ng Pasko ang pamilya mo ngayong taon, mapalad ka! Marami ngayon ang magpapasko nang malayo sa mga mahal nila sa buhay.
Yung iba, stranded at hindi makauwi dahil sa pandemic. Yung iba naman, nagtratrabaho abroad ang magulang. Maaaring yung iba, pumanaw na ang magulang kaya magpapasko kasama ang ibang kamag-anak o mga kaibigan. Baka nga yung iba, magpapasko na lang mag-isa.
O baka ikaw mismo yon . . . magpapasko nang malayo sa pamilya.
***
Taun-taon na lang, itong tatlong ito ang nararanasan natin. (Pwedeng may iba ka pang naranasan na hindi ko na nabanggit.)
Tuwing Christmas season, dumadami rin ang mga “sana all” natin sa buhay. And we can all agree na ngayong taon, malaki ang chance na mas malamig ang Pasko.
Isa sa mga natutunan natin ngayong taon ay ang realidad na ang lahat ay pwedeng magbago sa isang iglap lamang. Sino ba sa atin ang nag-akala na ang lockdown nung March ay aabot hanggang Pasko?
Pero nandito na tayo.
Namimiss na natin yung mga dating kinaiinisan natin. (Aminin!)
Hindi natin maririnig ang mga kamag-anak nating nagtatanong kung kelan nga ba tayo magkakaroon ng status na “in a relationship.”
Mamimiss natin ang mga batang nangangaroling sa labas ng ating bahay. At sa mga katulad kong hindi makauwi sa amin, namimiss natin ang pamilya natin na walang ginawa kundi pakainin tayo hanggang lumapad ulit ang waistline natin.
Buti na lang na kahit marami ang nagbago at marami pa ang magbabago sa bawat taon na naririto tayo sa mundo, merong iisang bagay na pwede nating panghawakan:
Siguro kung wala si Jesus sa buhay ko, mas mahirap para sa akin i-process ang lahat ng pagbabago na nangyayari sa paligid ko. Baka lagi kong iisipin na mag-isa ako.
Buti na lang nangako Siya:
“Behold, the virgin shall conceive and bear a son,
and they shall call his name Immanuel.”
Matthew 1:23
Immanuel. God with us.
Kasama natin Siya.
Ibang klase ang ligaya na dala ng katotohanang sa lahat ng pagbabago na nangyayari sa paligid natin, may Diyos na hindi nagbabago at hinding-hindi mang-iiwan.
Wala man tayong romantic partner ngayon, kilala naman natin ang pinaka-nagmamahal sa atin.
Hindi man ganun karami ang pera natin, may iisang nagmamalasakit para sa atin nang lubos.
Malayo man tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, hinding-hindi tayo mag-iisa. At tumaba man tayo o magbago man ang ating itsura, hindin-hindi panlabas ang Kanyang magiging basehan ng pagmamahal sa atin.
Ininda Niya ang lamig para masigurado Niyang hindi tayo nag-iisa.
Ininda Niya maging ang kahirapan ng buhay, para sa Kanya natin mahanap ang tunay na kayamanan.
Ininda Niya ang maging katatawanan para mawala ang shame na dulot ng ating kasalanan.
Immanuel.
God with us.
Anuman ang itsura ng Pasko mo, siguradong Sasamahan ka ng Makapangyarihang Panginoon. Maligayang Pasko, mga ka-SMP!