Confessions of a Sadboi

ENC Philippines

February 10, 2021

Oo. Inaamin ko. Sadboi ako noon.

Hindi masyadong maganda ang childhood ko. Mahirap lang ang pamilya namin, at madalas mag-away ang parents namin. Kaya ayun, lumaki akong maraming insecurities sa buhay.

Insecure ako kasi hindi kami mayaman. 

Insecure ako kasi payat ako, marami akong pimples, at hindi ako gwapo.

Insecure ako kasi hindi ako athletic at hindi ako marunong mag-basketball.

Sa dami ng insecurities ko sa buhay, ito ang pinaghuhugutan ko ng security: pagmamahal at pagtanggap ng mga tao sa paligid ko.

Dahil diyan, ang isa sa mga greatest fears ko ay ang iwanan ako ng mga taong mahalaga sa akin. Takot akong ma-reject, ma-abandon, o ipagpalit sa iba—sa ibang mas cool, mas mabait, mas gwapo, o mas masayang kasama.

O di ba? Sabi ko sa inyo eh, sadboi na sadboi ako. Hahaha!

Teka lang, teka lang. Bago niyo ako husgahan, let me explain kung bakit ba nagkakaroon ng mga taong tinatawag nilang “sadboi.”

Una sa lahat, hindi masaya ang maging sadboi. Sad nga ’di ba? Hindi talaga masaya ’yon. Walang “sadboi” (o “sadgirl”) ang ginustong maging malungkot. Lahat naman tayo, gusto lang makaranas ng kaligayahan sa buhay, ’di ba?

’Yun na nga mismo ang punto: Gusto lang naman naming sumaya. Kapag nahanap na namin ang bagay na magpapasaya sa amin, hindi na namin bibitawan ito. 

Halimbawa: Sa mga nasa relationship (may commitment man o walang label), unti-unti silang nagiging possessive to the point na nakakasakal na.

 Yung iba naman, nagiging masyadong clingy at seloso sa friends, to the point na bawal nang makipagkaibigan sa iba. Yung iba, ginagawang “emotional punching bag” ang mga kaibigan nila—bagsakan ng lahat ng galit, topak, at issues sa mundo.

Dahil dito, nauuwi sa “emotional manipulation” ang relasyon dahil sa takot na maiwan o ipagpalit sa iba. “Paawa effect,” ika nga. ’Yan ang alamat ng ipinagbabawal na jutsu: Ang Sadboi Manipulation Technique.

The Sadboi Manipulation Technique

Trigger Warning: Ang susunod na bahagi ay maaring sensitibo sa ilang readers. Topics include emotional abuse, manipulation, at iba pa. Kung pinagdadaanan mo ito at gusto mo ng kausap, chat ka lang. We’re here for you!

Lilinawin ko lang na hindi pakay ng article na ito na lagyan ng label ang mga tao sa paligid natin. (Ang label ay para lang sa gatas at sa mga relasyong malabo. Oops.)

Ang pakay ko ay para matulungan ka, my dear reader, na malaman kung nagiging biktima ka ba ng emotional manipulation at kung paano ka makakaalis sa ganung sitwasyon. Intensyon ko ring matulungan kang mag-reflect kung, kagaya ko, nagiging sadboi, sadgirl, or manipulative ka na din unknowingly.

Ano nga ba ang mga classic lines at sadboi damoves?

1. Magself-pity para makaiwas sa consequence ng nagawang kasalanan

 “Sige, iwan mo na ako. Wala talaga akong kwentang tao. Kaya walang nagtatagal sa ’kin eh.”

 Syempre, kung ikaw ang kaibigan o ka-relasyon nito, makokonsensya ka naman at icocomfort mo, ’di ba?

And they lived happily ever after? No. 

Kasi, chances are, mauulit lang ang ginawa niyang pagkakamali, at magpapaawa ulit sa susunod para makatakas sa consequences. 

“Fool me once . . .” Lamoyan.

2. Ginagamit ang mga pinagdadaanan para makakuha ng awa o makatakas sa parusa

 Medyo kahawig ito ng nauna, pero may very light na pagkakaiba. Kung yung una, naka-focus sa sariling kakulangan, itong pangalawa ay naka-focus sa external problems na pinagdadaanan niya. 

Halimbawa: “Nagawa ko lang naman ’yon kasi depressed ako. Puro kasi problema sa family. Sumasabay pa yung mga problema sa school.”

Ano nga namang magagawa mo, ’di ba? As a well-meaning friend, papatawarin mo at uunawain mo na lang. Don’t get me wrong. We must show love to others, forgive others when they commit mistakes, and sometimes even overlook the offense.  

Pero paano kung pattern na ang pagkakamali at palaging ginagamit ang “emotional card” para tumakas sa accountability? 

Love does not delight in evil but rejoices with the truth (1 Corinthians 13:6). Minsan, masakit ang katotohanan, but open rebuke is better than secret love. (Proverbs 27:5)

3. Nanggi-guilt trip para makuha ang gusto

 “Magpapakamatay ako kapag iniwan mo ’ko.”

“Sige, iwan mo na ’ko. Wala namang nakakaintindi sa ’kin. Sanay na ‘kong palaging iniiwan.” 

“I hope masaya ka dyan sa tropa mo. Hindi pa ko kumakain eh. Pero okay lang. Sige, enjoy.”

Kumbaga sa Mobile Legends, “ulti” na ’to ng kalaban. GG na talaga kapag ginamitan ka nito. Mahirap kontrahin ang ganitong linyahan. 

 4. Nago-overshare ng sadness o misery para makuha ang tiwala at maka-damoves

Kung yung ibang naunang technique ay para sa mga nasa relasyon na, itong huling technique na ’to ay para naman sa mga dumidiskarte pa lang. Tinatawag ko itong Sadboi Ninja Technique. Akala mo nag-oopen up lang, numi-ninja moves na pala.

Before you know it, nahulog ka na at naging instant guidance counselor-slash-emotional dumpster ka na dahil sa ’yo na siya humuhugot ng lakas sa lahat ng issues niya sa buhay.

Again, double-edged ito. Bukod sa gusto ka naming matulungan kung sakaling biktima ka ng ganitong emotional manipulation, maganda ring mag-reflect: “Nagiging ganon din ba ako?”

Kasi, sadly, there’s a sadboi or a sadgirl inside all of us. One way or another, may tendency tayong maging emotionally manipulative kapag nag-kick in na ang insecurities natin. 

 How to Deal with a Sadboi / Sadgirl Manipulator

Paano mo nga ba maiiwasang mahulog sa ganitong patibong? Narito ang ilang tips na sana ay makatulong sa ’yo:

Una, don’t judge right away. Kapag may nag-open up sa ’yo, wag ka namang judger agad. Some people just really need someone to talk to. Baka naman wala lang talaga siyang makausap, ’di ba? Be kind and compassionate. Wag assuming. 

Pangalawa, carefully discern if the person is already going overboard. In short, TMI na ba? (Trivia sa di nakakaalam: TMI means too much information.) Masyado na ba siyang maraming in-oopen up? Naikuwento na ba niya ang lahat ng issue nila ng ex niya? Kabisado mo na ba pati ang favorite movie, favorite food, at theme song nila? Kapag parang sumosobra na at napapadalas na, ekis na yan. 

 Pangatlo, create boundaries. Ika nga nila, “Prevention is better than cure.” Hanggat maaari, minimize unnecessary interactions kagaya ng late-night chats, video calls, o “wala lang” na voice calls. And please, kuys at ’teh, makaramdam ka kapag pinalitan na ang nickname niyo sa chat ng “bhie,” “bby,” “mine,” o anumang baduy na call sign. 

Pang-apat, resist exclusivity. Hindi mo trabahong alagaan siya. Nanay ka ba niya? Joke lang. Haha. Kung kailangan niya ng tulong, ipakilala mo sa mga taong tunay na makakatulong sa kanya. If the person needs professional medical advice, i-encourage mo siyang kumonsulta sa espesyalista. Kung Christian ka, i-invite mo siya sa church at ipakilala mo sa mga bagong kaibigan. 

Tandaan: Ang Diyos lamang ang may kakayanang magbigay lunas sa anumang uri ng sakit. At Siya lang ang makakapagpabago sa isang tao. 

Pang-lima, if you’re already in a relationship with someone who’s like this, reconsider the relationship. Emotional abuse and manipulation can be very damaging. Naiintindihan ko na kasama sa pangako ninyo sa isa’t isa ay ang manatiling magkasama, walang iwanan—cross my heart, hope to die. 

 Pero, ang pangakong “’til death do us part” ay para lamang sa mga mag-asawa. If that relationship is doing you more harm than good, then it might be better to apply wisdom and do the right thing. 

 Again, si Lord lang ang may kakayahang bumago ng isang tao. Ask yourself:

Am I being manipulated repeatedly and deliberately? 

Am I losing myself, my joy, and my sanity because of this relationship?

Am I losing important relationships in my life because of this? 

Have I begun questioning and doubting myself already because of these repeated emotional attacks? 

Kung yes ang sagot mo, I pray na magkaroon ka ng lakas ng loob na gawin ang nararapat at ipagkatiwala sa Diyos ang love life mo. 

To All the Sadbois and Sadgirls in the World

First of all, refuse to accept the label na “sadboi” o “sadgirl” ka. You don’t deserve to be labeled by anyone, kasi para sa Creator mo, ito lang ang acceptable label para sa ’yo: beloved.

Oo, may nagmamahal sa ’yo. Gaya nga ng sinabi ko sa simula, alam ko ang nararamdaman at pinagdadaanan mo kasi naranasan ko na din yan. Hindi mo rin naman gustong mabuhay sa kalungkutan o sa takot na palagi kang iiwan. 

 Alam mo ba kung ano ang bumago sa akin? Ang pagmamahal ng Diyos para sa ’kin.

Dumaan ako sa napakahirap na sitwasyon kung saan nawala ang mga pinakamamahal kong mga tao at kaibigan. Pakiramdam ko noon, wala nang magmamahal sa ’kin. Ang tingin ko sa sarili ko, ako na ang pinaka-unwanted and unloved na tao sa buong mundo. 

Pero nabasa ko ito:

“For the mountains may move and the hills disappear, but even then my faithful love for you will remain. My covenant of blessing will never be broken,”

says the LORD, who has mercy on you.

Isaiah 54:10 (NLT)

Wag kang matakot na maiwan, kasi may pag-ibig na hinding-hindi ka tatalikuran. Magunaw man ang mundo at iwan ka man ng lahat ng tao sa buhay mo, faithful si Lord sa pag-ibig Niya sa ’yo.

 Kung gusto mong pag-usapan ang mga dinadala mo sa buhay, mag-message ka lang dito. Handa kaming tulungan ka at gabayan ka para mas makilala mo Siya, ang nag-iisang Diyos na nagmamahal at patuloy na magmamahal sa ’yo.

Sadboi no more, 

Ian Sy

 

 

1K Shares

The Author

ENC Philippines

Every Nation Campus in the Philippines is a campus organization that empowers students for LIFE—Leadership, Integrity, Faith, and Excellence.

VIEW OTHER POSTS BY THE AUTHOR