Para sa mga Nasa Relasyong Walang Label

ENC Philippines

February 10, 2020

Dear mahal,

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang sulat na ‘to kasi sa totoo lang, hindi pa rin ako handang mag-let go, pero kailangan ko nang bumitaw.

Mahal, panahon na para tapusin natin ang relasyong ito. Nagising na ako sa katotohanang wala naman talaga itong patutunguhan.

Una sa lahat, wala namang “tayo.”

Nung tinanong kita kung ano ba tayo, ang sabi mo lang, “Basta masaya tayo at nagmamahalan, yun ang mahalaga.” Naniwala naman ako at nakuha mo ko sa mga matatamis mong salita.

Once and for all, I need clarity. Ano ba talaga tayo?

Hindi tayo, pero may tawagan tayo; may unofficial monthsary tayo bilang “best friends”; lumalabas tayo para mag-date; nagsasabihan ng “I love you” bago matulog. Ano ‘to? Laro-laro lang?

Ang hirap kaya! Sa tuwing may kasama kang iba, wala akong karapatang mag-selos. Sino ba naman ako di ba? Nagkukuwento ka pa sa ‘kin tungkol sa crush mo!

Sabi mo, mahal mo ko. Pero nung tinanong ka ng mga kaibigan mo kung tayo ba, ngumiti ka na lang at biglang nag-change topic. May nagmamahal bang hindi kayang panindigan ang pagmamahal niya?

Kung para sa’yo ay wala lang ‘to, well for me, mahalaga ‘to.

Kung para sa’yo, hindi mahalaga ang label, for me, mahalaga ‘yon. Dahil ‘yon ang tanda ng clarity at commitment natin sa isa’t isa. Kung ‘yung gatas nga sa commercial, kailangang i-check ang label, how much more tayo?

Kung para sa’yo, ito ay “something” lang between us, well for me, I have made you “my everything,” kaya ako nasaktan nang sobra.

Dahil dyan, nakapag-desisyon na ko. Masakit man sa kalooban ko, kailangan na nating tapusin ito.

Natutunan kong hindi ko kailangang maghabol sa pagmamahal ng iba para lang maramdaman na kumpleto ako. Mahal ako ni God, at pinatunayan na Niya ‘yon nung namatay si Jesus para sa’kin. ‘Yun ang tanging pagmamahal na kukumpleto sa pagkatao ko.

Natutunan ko nang maging secure sa pagmamahal ni God sa akin.

Huwag kang mag-alala. Hindi mo na ‘ko kailangang ipaglaban pa. Dahil nakilala ko na si God na matagal na ‘kong ipinaglaban kahit nung hindi ko pa Siya kilala at minamahal. He loved me at my worst, and He inspires me to grow and be a better person.

Minahal Niya ako sa kabila ng mga kasalanan ko. Mahalaga ako sa paningin Niya dahil siya ang nagbigay ng buhay sa’kin. Anak Niya ko, at pinatunayan Niya yon nang namatay si Jesus para sa’kin. I am fearfully and wonderfully made by God.

For Him, I am not just worth pursuing. I am worth dying for, and I am worth loving forever.

Sa pagtatapos ng relasyon nating ito, nakapagdesisyon na akong isuko ang buong puso ko sa Kanya. Nagtitiwala ako sa perfect timing Niya para sa akin. Sa panahong ito—at sa panghabambuhay—mamahalin ko Siya, dahil tanging Siya lamang ang nagmamahal sa akin nang lubos. Pinapahalagahan at inaalagaan Niya ako. Hindi kayang pantayan ng kung sinuman ang pagmamahal na binigay Niya.

Higit sa lahat, malinaw ang relationship namin. He calls me His own. I am His (Isaiah 43:1).

Nangako Siyang hindi Niya ako iiwanan at pababayaan, at walang makapaghihiwalay sa amin (Romans 8:39).

Mahal, sana ay makilala mo din Siya. Sana ay maranasan mo din ‘tong pagmamahal Niya na nararanasan ko ngayon. Promise, sobrang sarap sa pakiramdam.

Oo nga pala, pinapatawad na kita. Pero, hanggang dito na lang. Salamat sa lahat.

Paalam,

Your “Sweetest Whatever” no more

 

9K Shares

The Author

ENC Philippines

Every Nation Campus in the Philippines is a campus organization that empowers students for LIFE—Leadership, Integrity, Faith, and Excellence.

VIEW OTHER POSTS BY THE AUTHOR